http://mandayamoore-orlis.blogspot.com/
Andaming oatmeal raisin cookies. Dalawang linggo na ang dumaan nang sumali ako sa maagang Christmas Bazaar sa Woodridge Village sa city. Bumenta naman ang mga paninda ko. May mga bumalik pa para bumili pero naubusan sila.Kaya eto ako, abala sa pagbe-bake. Mamayang alas singko ng hapon kasi ang opening ng bazaar sa Davao Convention Center. Magbebenta uli ako.Aktuali, makikisingit lang ako sa isang kaibigang may stall-- nagbebenta sya ng mga sabon, shampoo, moisturizer, massage oils at iba pa-- ZEN ang name ng product.Aktuali uli, yung kaibigan ko ay nakiki-share lang ng stall sa Garden Oasis yata yon. Ang mahal kasi ng renta para sa tatlong araw na display.Sana bumenta ako. Malapit na kasi ang pasko. Kailangan kong makaipon ng pera para makapunta ng Cavite para dalawin si Ranger sa kanilang training. Maawa na kayo. Bili na.